![]() |
Photo by Daniel Hjalmarsson on Unsplash
|
Una kong naranasang mag-invest noong ako ay empleyado bilang Instructor I sa isang kolehiyo sa Cavite. Sumali ako sa kooperatiba ng mga empleyado. Ang pangunahing operasyon ng kooperatibang iyon ay magpautang sa mga miyembro sa mas mababang interes kumpara sa mas kilalang 5-6. Kung tutuusin ay hindi pa nahuhubog ang kamalayan ko sa pag-invest no'ng mga panahong iyon. Wala akong malalim na adhikain sa pagsali dahil para bang nakigaya-gaya lamang ako sa aking mga katrabaho, na may kasamang pangamba kasi ang kontribusyong 150 pesos (kung tama ang ala-ala ko) ay parang malaking kabawasan sa buwanan kong sweldo. Sa kabilang banda naman ay inisip ko ang aking magiging pribilehiyo: makakautang ako sa kooperatiba kung sakaling kapos ako sa pera.
"Hummn... Masubukan nga itong kooperatibang ito!"