Sa pagkakataong ito, hindi ko muna ibibida si Water Sprite. Alam mo ba kung bakit? Inilulunsad dito ngayon ang kauna-unahang serye ng bahagi ng
blog na ito, ang
Maalam Sa Pera Ang Pinoy series. Kung kaya't mapalad tayong napaunlakan ng isa nating kababayan ang imbitasyon ko na panayam. Siya ay napili ng inyong lingkod mula sa isang
closed group ng Facebook, ang
Filipino Financial Freedom Forum. Kilalanin natin si Gab, 22 taong gulang at isang
Freelance Administrative Support/Software Developer. Kahanga-hangang sa ganyang edad ay maaga siyang namulat sa pag-iimpok ng salapi at nangahas na mag-invest. Si Gab ay nagtapos sa kolehiyo na may kursong Culinary Arts at siya'y binata pa.
 |
Photo: Young Investor [thanks] |
Sa artikulong ito malalaman mo na kahit pa man nagsisimula ka pa lamang kumita ng pera, na kahit humigit-kumulang na dalawang taon pa lang ang nakalipas mula sa unang pagtanggap mo ng payslip, ay posibleng posible na ikaw ay makapag-ipon ng pera, at ito ay mailagay mo sa institusyong namamahala (
mutual fund o UITF) upang lumago pa ang mga naipon mo. Narito ang panayam ko kay Gab...